Chapter 1290: Nagseselos Siya
Malaki ang ngiti ng direktor. "Maganda, mahusay na ang artwork, lalo na yung carvis sa pot, napakaganda! 'Di ko alam na kaya mo gawin yun!"
Pinag-aralan yata ni Luo Fan ang mga hilig ni Mai Huaian at binigyan siya ng purple handmade clay pot.
Binati rin ng iba ang direktor, pero hindi sila mapalagay nang makita nila ang ginawa ni Luo Fan.
Pero totoo na mahusay talaga siya sa ginagawa niya. Mas magaling siya kahit sa professional manager. Ang sabi-sabi ay siya ang may hawak ng sarili niyang working schedule, job arrangements, at public relations.
Tumingin si Han Yuncheng sa paligid, tapos nagtanong, "Wala pa dito yung female lead?"
Natawa si Qin Ran, "Director Ye, tinatago mo pa rin hanggang ngayon?"
Ngumiti si Ye Ying. "Syempre hindi, nandito na siya!"
"Talaga? 'Di ko siya makita, Director Ye. Invisible ba siya?" asar ni Qin Ran.