Chapter 1277: Biglaang Pagkikita Kay Lu Tingxiao?
"Sigurado ka ba na si Ning Xi yung nasa loob?" Ngayon, mas maingat na si Zhao Meixin.
Sigurado ang waiter. "Sigurado ako! Kailangan mo mag-register para sa room reservations. Siguradong si Ning Xi! Nakita ko siya mismo pumunta sa reception. Hindi ako magkakamali…"
Sa labas ng pintuan, huminga ng malalim si Su Yimo, tapos tiningnan siya. "Buksan mo."
"Dahan dahan, baka magulat yung mga tao sa loob!" paalala ni Zhao Meixin. Binuksan niya ang kamera ng phone niya kung sakaling may mangyari. Mas maganda ang first-hand evidence.
Nahirapang sumagot ang waiter. "Hanggang eighth floor lang ang room cards namin. Hindi namin pwedeng buksan ito!"
Nainis si Zhao Meixin at pinisil ang noo niya, at sinabi, "Mag-doorbell ka at sabihin mo na room service ka!"
Tumango ang waiter, tapos nag-doorbell habang nagpapanggap na room service.