Chapter 1274: Karma
Pagkatapos niyang ibaba ang tawag, masayang masaya si Liang Biqin. Nasasabik siya kapag naiisip na nasa kama si Ning Xi kasama ang kadiring si Sun Zhanpeng, at naisip niya rin ang mga litrato niya sa kama na lalabas sa headlines bukas. Gumaan ng husto ang pakiramdam niya!
Dahil sa bruhang ito, maraming nang-bash sa kanya. Kahit ang ad niya ay naagaw sa kanya!
Tinago ni Liang Biqin ang kanyang phone. Paalis na sana siya nang marinig ang pagbukas ng pinto sa likod niya. Mayroobg humigit ng braso niya at bago pa niya maintindihan ang nangyayari, nasa loob na siya ng kwarto…
Bang! Sumara ang pinto.
Naguguluhan si Liang Biqin. Nang mapagtanto niya ang nangyari, huli na ang lahat. Isang makapal na braso ang naghagis sa kanya sa kama. Maririnig ang pagpunit ng damit at nakaramdam siya ng sakit sa ibabang parte ng katawan niya…