Chapter 1261: Ganti Para Sa Asawa
"Mukha bang pangit ang taste ko?"
Nang marinig ni Lu Jingli na sabihin ng kuya niya ang mga salitang iyon, nasaktan siya kahit na hindi naman siya ang tinutukoy nito. Paano pa kaya si Su Yimo…
Malupit talaga ang trato ng kuya niya sa ibang babae bukod kay Xiao Xi Xi…
Nakatunganga lang si Su Yimo doon habang nakatayo. Gulat na gulat siya habang sina Liang Biqin at Zhao Meixin ay naguguluhan din. Siyempre, maging ang management ng kumpanya ni Lu Tingxiao ay may kakaibang ekspresyon sa kanilang mga mukha.
Mayroong mahabang katahimikan, bago nasundan ng usapan sa bawat sulok ng venue.
Sa Glory World Entertainment, maraming nasiil na mga staffs at artista ang naglalabas ng galit nila ngayon, hindi na nila ito matiis.
"Grabe! Ito...ito talaga ang the best drama ngayong taon!"
"Hindi man lang kilala ng boss natin si Su Yimo. Hindi niya siya kilala!"