Chapter 1258: Siguradong Dadating Si Kuya Ngayong Gabi
"Ah ah ah!"
"Second Master! Second Master!"
"CEO Lu!"
Kasama ng mga hiyawan ng mga babae, pumasok si Lu Jingli sa venue.
Nakasuot si Lu Jingli ng napakatingkad na pink tuxedo, mas nagmumukha siyang malandi dahil dito kaya naman nagtitilian ang mga babae ng walang humpay.
Sa sulok, tiningnan ni Ning Xi ang neon outfit ni Lu Jingli at kumibot ang bibig niya. Pero hindi niya maikaila na bagay sa lalaking ito ang kulay na iyon.
Akala ni Su Yimo ay nakarating na si Lu TIngxiao kaya hindi niya napigilang madismaya noong nakitang si Lu Jingli lamang ito.
Inasar siya ni Liang Biqin sa tabi, "Uy si pinsan, nag-expect ka ano…"
Namula si Su Yimo at sumagot, "Tumahimik ka nga!"
Nang makita niya ang pagdating ni Lu Jingli, agad na lumapit si Vice President Yi Xudong para batiin siya saka tumingin sa likod niya, "CEO, nandito ka! Nasaan si CEO Lu?"