Chapter 1256: Makapigil-hininga
Lumipas ang oras. Sa isang kisap ng mata, oras na para sa pagdiriwang ng anibersaryo ng Glory World.
Sa araw na iyon, pagkatapos ng company meeting, naglabas ng salita si Su Yimo sa buong entertainment industry para layuan si Ning Xi.
Big shot si Su Yimo sa Glory World kaya malaki ang impluwensiya niya sa entertainment circle. Kasama ng kasikatan niya, tumumal ang trabaho para kay Ning Xi at halos nawalan ng karapatan para pumunta sa mga pagdiriwang.
Sa huli, pinayagan lang siyang pumunta nang makausap ni Su Yimo si Vice President Yi Xudong.
Isa itong magandang oportunidad para ipamukha kay Ning Xi na siya ang may huling salita sa industriya!
Napakagarbo ng mga taunang pagdiriwang sa Glory World. Isa pa, dadating ang big boss sa pagtitipon ngayon kaya naman naghanda ng marangyang seremonya si Vice President Yi Xudong. Inimbita pa niya lahat ng impluwensiyal na media.