Chapter 1251: Halos Sumuka Ng Dugo
"Doon naman sa pag-imbita namin kay Ning Xi para maging spokesperson, mayroon nga kaming planong ganoon. Ano kaya ang mararamdaman ni Ms. Su tungkol dito?" maingat na pag-uusisa ni Ye Ying.
Nang marinig ito ni Zhao Meixin, mukhang mas nainis pa siya, "Director Ye, hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Alam kong alam mo naman siguro kung paano dito sa Glory World. Artista si Ning Xi… Hindi siya mabait at hindi niya napapasaya si Yimo.
"Considerate naman si Yimo namin. Pinagpapasensyahan niya siya pero ngayon na magiging spokesperson pa siya ng Lu Corporation tulad ni Yimo, tiyak na iinit ang ulo ni Yimo. Sa tingin mo ba ay ipagwawalang-bahala lang ito ni Yimo?"