Chapter 1246: Inatake Ng PDA
Karaniwang senaryo na ito pero nang silang dalawa ang gumawa, naging sweet at romantiko ang pangyayari.
Namula ang mga pisngi ng mga fangirls at bumilis ang tibok ng kanilang puso dahil sa nakita.
"Oh, ang puso ko! Bakit pakiramdam ko ay inatake ako ng PDA?"
"Ah, ah, ah...nababaliw na ako! Sobrang nakakainlove! Mahal ko talaga sina Lingyu at Ji Feixue! Hindi ko inakalang bagay din sila sa totoong buhay! Hindi na kaya ng puso ko!"
"Mmm, kahit na mas madalas akong kampi sa mga bidang babae at lalaki, sa tingin ko pa rin ay may kakaiba silang chemistry…"
"Sa tingin niyo ba malakas ang presensya ni Ke Mingyu? Parang medyo pangmayaman ang kilos niya! Sa totoo nga, mayroon siyang aura na hindi ko mawari...bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing nakikita ko ito!"
…
Kahit na si Zhu Shuan na kanina pa binabalewala si Ke Mingyu ay hindi naitanggi na may kakaibang aura ang lalaki.