Chapter 1240: Go On A Show With The Devil
Nang makita siya ng lahat, biglang nagtayuan ang mga taong 'di naman siya pinapansin dati. 'Yung mga baguhan, na nasa training pa lang ay sumali rin at bumati sa kanya.
"Ah! Bro Xi! Bro Xi, pwede magpa-autograph? Fan mo 'ko eh!"
"Ma'am! Ang galing mo po! Kailan kaya ako magiging katulad mo…"
"Sis Xi, matagal na nung huli ka pong andito! Buti 'di ko pinalitan 'yung shift ko ngayon! Pwede po magpapicture?"
'Di lang si Ning Xi kung 'di pati si Xiao Tao ay napalibutan ng ilang mga tao. Naging assistant na siya noon ni Leng Manyun at tila ba na-"demote" siya nang maging assistant ni Ning Xi. Maraming tao ang pinagtawanan siya pero ngayon, iba na ang tingin nila sa kanya.
"Xiao Tao, ang swerte mo talaga! Dati nakatrabaho mo si Sis Manyun, ngayon naman sobrang sikat ni Ning Xi!"
"Tama, buti sinunod mo 'yung sinasabi ni Sis Ling. Tama talaga si Sis Ling!"