Chapter 1234: Little Treasure is Very Happy
Importante ang mga litrato niya ngayon. Gustong ulitin ni Ning Xi ang kalidad at pagiging natural nung unang beses, kaya ayaw niyang kumuha ng professional photographer para 'di magmukhang masyadong pinaghandaan ang mga kuha. Sa maikling saglit, 'di niya na talaga alam kung kanino hihingi ng tulong.
Habang naliligalig siya, bigla siyang dinalaw ng inspirasyon. "Ah! Alam ko na!"
Hehe 'di lang si Lu Tingxiao ang maaasahang lalaki sa bahay na 'to 'no!
"Patapos na sa school si Little Treasure, 'di ba? Susunduin ko siya!" masayang wika ni Ning Xi.
Napagdesisyunan niya na sa pagkakataong ito kay baby Little Treasure siya hihingi ng tulong para sa picture. Iba ito sa nakaraan. Mula nang biglang umusbong ang pagsikat ni Ning Xi na parang isang gabi lang, siguradong mahihirapan na siyang lumabas ng bahay ngayon.