Chapter 1225: Instant Fame!
Sa parehong panahon, umaapaw ang mga customer suggestion at complaints sa mga sinehan. Bawat araw, 'di mabilang ang mga customer na nagrerequest ng mas marami pang showtime para sa "Dream Chaser".
"Manager, ano'ng gagawin natin? Lagpas 100 na 'yung mga tumatawag ngayon para dagdagan daw natin ang showtime allocation para sa 'Dream Chaser'!"
Kahawig nito ang mga nagiging usapan sa iba pang opisina ng mga sinehan.
Kahit ganun, dahil sa pressure mula kay Zheng Kangde, nagkaisa ang mga manager at 'di nila pinansin ang mga request ng mga customer. Sinubukan pa rin nilang ipilit sa mga customers na manood na lang ng "I Only Like You" sa pamamagitan ng pagbabawas ng pagpipilian ng mga 'to.
…
Ang mga kinahinatnan.
Sa pang-apat na araw, isang weekend, umabot na sa karurukan ang pagmamahal ng mga netizen sa "Dream Chaser" at sa pagkainis nila sa mga sinehan.