Chapter 1222: Beyond Imagination
Noong panahong wala pang Internet, sa mga dyaryo, TV at radyo pa lang nakakatanggap ng balita ang publiko at ang mga ganitong media ay madaling makontrol ng mga organisasyon o mga indibidwal.
Pero sa panahon ngayon na meron nang Internet, umabot na ng eight billion ang netizen base ng China. Iba't ibang bagong media na ang lumabas at higit pa sa imahinasyon ng mga tao ang kayang gawin ng Internet. Lalo pa't mahirap itong kontrolin.
Sa isang gabi lamang ng pagkalat sa Internet, maraming grupo na ng manonood ang pumunta sa sinehan para sa "Dream Chaser", isang pelikulang may maliit na kapital lamang at marketing kaya't 'di kaagad nakapukaw ng atensyon. Nang maganap ang pagkalat sa pamamagitan ng word-of-mouth, magkakahalaga na ito ng higit pa sa daan-daang milyon sa marketing at publicity.