Chapter 1208: Ikaw Lang, Ikaw Lang Ang Gusto Ko
Masiglang iniling ni Ning Xi ang kanyang ulo. "Syempre, gusto ko..."
Paano niya itong hindi magugustuhan? Baka lang hindi ito kayanin ng kanyang puso.
Mukha naman siyang nasiyahan sa sinabi nito. Marahan niyang hinalikan ang noo nito, tapos ang kanyang labi. Ang kanyang banayad na halik ay parang maliit na paglubog sa tubig, ngunit puno it ng malakas na agos...
Inilagay ni Ning Xi ang kanyang kamay sa sensitibong collarbone habang napagtanto niya na ang emosyon ng lalaki ay salungat sa kung paano siya madalas gumalaw.
Hmm, alam na kaya ng demonyo ang nangyari ngayong araw?
Kakasabi lang niya na dumalo lamang siya sa isang hapunan para sa charity. Dagdag pa rito, masyadong abala si Lu Tingxiao upang malaman ang lahat ng tungkol sa kanya. Nasa tabi pa rin niya ang busybody na si Lu Jingli, kaya... malaki ang posibilidad na malaman niya ito agad.
"Sino ang mas gusto mo?" Tanong ng lalaki.