Chapter 1161: Good Luck
Gayunpaman, ngayon, kailangan niya na magpaubaya. Kung napatalsik ang History, gayundin ang mangyayari sa kanya.
"Boss, alam kong mahahanap ko si Han Xiao. Bigyan mo ako ng dalawang araw... ngunit, kahit na matawagan kosiya, hindi ko masisiguro na matutulungan niya tayo. "Naintindinhan naman ni David si Han Xiao. Para magkaroon ng kagaya niya sa History ay hindi madaling gawain.
"Hangga't may kakayanan siya, ibibigay natin ang lahat ng pangangailangan niya," ang sinabi ni Ning Xueluo.
"Okay, Boss, naiintindihan ko." tumango si David at umalis.
...
Matapos niyang makalabas, kinuha ni David ang kanyang telepono, tiningnan ang phone log at mayroong tinawagan.
"Hey David, kamusta ka?" ang masayang boses ay maririnig sa kabilang telepono.
"Jill, kailangan ko ng tulong," sabi ni David.
"Ang magaling na designer na si David ay may kailangan sa akin! Ano ba iyan?"