Chapter 116: Nang Sila ay Naghalikan
Nagsimula ang eksena.
Naglipana ang mga nagtitinda ng parol sa kalsada, at karamihan ng mga tao ay may dalang parol. Masayang nagkukwentuhan at nagtatawanan ang lahat.
Nakakulong si Sun Huanqing sa kaniyang klinika dahil sa dami ng pasente, kaya niyaya itong lumabas ni Meng Changge.
Nakatutok ang kamera sa dalawa. Nakunan ang kamera ang batang babae at lalaki sa Changan Street habang nasisikatang ng liwanag. Isa ito sa napakagandang eksena...
Hindi ganoon kadami ang usapan sa eksena, at nakatuon ito sa ganda ng tanawin at pagbabago sa ekspresyon ng mga karakter.
Masigla si Meng Changge. Nag-aatubili naman si Sun Huanqing sa simula pero sa huli ay nahawahan ng kasiglahan ni Meng Changge.
Pagkatapos ng ilang sandali, bigla na lang napagtanto ni Sun Huanqing na hinihila pa rin ang kanyang kamay, kaya nagmadali siyang kumawala.
Nagmatigas si Meng Changge sa paghawak ng kamay.