Chapter 1155: Layas!
Nabigla ang mga estudyante nang marinig nila ang sagot.
"Wow! Si Zhuang Rongguang nga! Nagpa-plastic surgery ba siya?"
"Maaayos ba ng plastic surgery yung utak niya?"
"Hahaha, ewan? Baka kaya pa nun gamutin yung katangahan niya…"
...
Nagtawanan ang lahat. Kung tulad ng dati, sinuntok na agad ito ni Zhuang Rongguang sa mukha, pero dahil sa near-death experience niya kagabi, naramdaman niya na sobrang immature ng sarili niya dati na gusto niyang sampalin sarili niya.
Tama sila. Tanga siya dati.
Tahimik lang si Zhuang Rongguang habang pinagtatawanan siya. Tumalikod siya at naglakad papunta sa klase, at nagulat ang lahat.
"Ha? May nakain ba siyang masama?"
"Baka nakaaway niya pamilya niya!"
"Hindi yun bago. Walang kwenta siyang tao!"
"Siguro na-trigger lang siya…"