Chapter 1152: Letse! Makinig Ka Sa'Kin, Mahal Kong Nobya...
Mahimbing ang tulog ni Ning Xi habang nasa tabi niya si Zhuang Keer, kung sino ay nakasuot ng pajamas ni Ning Xi. Yakap niya si Ning Xi...
Dumilim agad ang mukha ni Lu Tingxiao.
Hanggang gabi siya nagtrabaho. Hindi lang siya hindi nagpakita, may kasama pa siyang babae?!
Siguro dahil sa lakas ng galit ni Lu Tingxiao, nagising si Zhuang Keer. Nakita niyang nasa pintuan si Lu Tingxiao at nagulat. "Ah…"
Nagising rin si Ning Xi. Nang makita niya si Lu Tingxiao, nagbago ang mukha niya. Umupo siya at sinabi, "Letse! Makinig ka sa'kin, mahal kong nobya…"
Hindi makaimik si Lu Tingxiao.
Naramdaman ni Ning Xi na parang may mali sa sinabi niya...
Nahihilo siya!
Kasalanan 'to ni Zhuang Rongguang! Palagi kasi siyang tinatawag na lalaki at kuya. Muntik na niyang isipin na lalaki talaga siya!