Chapter 115: Ang Kapayapaan Bago ang Bagyo
Sa kasalukuyan, bumaba na ang gabi at perpekto ang liwanag. Nakaayos na ang buong eksena, at mga aktor ay nasa kani-kaniyang pwesto.
Matapos niyang magpalit ng kasuotan, biglang kinabahan si Jiang Muye.
Bagamat nagdate na sila noon ni Ning Xi, hindi pa din niya nahahawakan ang mga daliri nito, paano pa kaya ang halik.
Hindi niya inaasahang ang unang magiging halik nila ay hindi nang magkarelasyon sila, ngunit habang umaarte.
Hihinga na sana siya nang malalim para mawala ang kaba, ngunit may biglang humampas nang malakas sa kanyang likod. Si Ning Xi lang pala, na may magarang kasuotang hapit na hapit at may pagpusod pa ng buhok. Sabay akbay nito sa kanya.
"Anong problema, blondie? Huwag mong sabihing kinakabahan ka?"
"Umalis ka sa harap ko! Sinong kinakabahan! Mas marami pa akong nahalikan kaysa sa nakain mong bigas!" tinuklak siya bigla ni Jiang Muye at parang nasusunog ang pagakbay niya rito.