Chapter 1148: Lalaki Ka Pa Rin Ba?
Nang makita niya na dumidilim na naman ang ekspresyon ni Ning Xi tulad ng kanina sa warehouse, hinawakan agad ni Zhuang Keer ang kamay nito at sinabi, "Xiao Xi, okay lang ako, maliliit na pasa lang naman!:
Pero, nang marinig ni Ning Xi ito, hindi kumalma si Ning Xi.
Maliliit na pasa lang ba talaga? Sa isang babae, matindi ang trauma ng pangyayaring tulad tulad nun at buong buhay sila mabubuhay nang takot. Hindi masusukat sa mga sugat ang karahasan na ginawa sa kanya!
Higit pa, ito ay si Zhuang Keer, isang simple, inosente, at sheltered na babae na hindi pa nakakaranas ng ganito, pero bigla siyang nadamay sa ganitong insidente.
Mabuti na lang at nakarating siya agad at hindi natuloy ang binabalak ng mga lalaki dahil kung hindi, wala siyang pakakawalan ni isa. Kahit si Zhuang Rongguang kakatayin niya!