Chapter 114: Gayunpaman Ako Ang Sapilitang Hahalik Sa'yo
Maganda ang lagay ni Jiang Muye nang siya ay magpaliwanag. "Hindi ba nagpakita ng behind-the-scene si Director Guo? Kasama doon ang mga sekswal na kuha noong araw na iyon. Pagkatapos noon, bigla na lang silang naging tagahanga mo na dati'y ayaw nila sa'yo. Talaga ba, mas masaya ba sila na tinutulak ako pababa?"
"Uh…"
Maraming taga-hanga ang naaakit sa artista ngunit bilang lamang ang gustong makipag-ugnayan sa kanila sa totoong buhay dahil masyado itong imposible. Kaya naman sa mga palabas na lamang sila nagpapantasya.
Kung ang isang babaeng artista ay makakatambal ng hinahangaan mong lalaking,artista maaring magselos ka. Lalo na kung ang katambal nito ay butaw, hindi ito makatarungan para sa mga taga-hanga, na magreresulta sa pagtutol ng mga ito. Sa kabilang banda, iisipin mong ikaw ang katambal ng hinahangaan mo kung magaling umarte ang kapareha nito, na magbibigay sa'yo ng matinding kasiyahan.