Chapter 1137: Nahuli Ng Trap
Isang oras ang lumipas, naubos ang lahat ng chips ni Zhuang Rongguang.
Tumawa ng malakas ang lalaking may gintong kadena bago niya kuning ang mga chips, "Ikaw, masyadong bata ka pa para makipaglaro sa'kin!"
"Isa pang round!" dumilim ang mukha ni Zhuang Rongguang at sinuntok niya ng malakas ang mesa.
"Ano!? Wala na'ng natitira sa'yo! Umuwi ka na sa nanay mo para dumede!" sagot ng lalaki.
Pagkasabi niya nito, nagtawanan ang buong casino.
Sa sandaling iyon, wala na talagang natira kay ZHuang Rongguang. Branded ang lahat ng damit na suot niya at kinailangan itong kunin bilang kolateral. Kahit ang genuine leather wallet na ibinigay ng ate niya para sa birthday niya, kinuha.