Chereads / Hidden Marriage (Tagalog) / Chapter 1125 - To Become Mother’s Leg Accessory

Chapter 1125 - To Become Mother’s Leg Accessory

Chapter 1125: Naging Abubot Sa Binti Ng Nanay

Napanganga si Lu Chongshan nang lumingon siya. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Nanginginig siya habang tinitignan ang maliit na bata… 

May sinabi...ba si...Little Treasure?

"Lolo, handa na ang pagkain!" Inulit ni Little Treasure pagkatapos ay humarap naman kay Yan Ruyi, "Lola, kain na!"

Sa sobrang pagkabigla, hindi na nakontrol ni Yan Ruyi ang kanyang mga luha. Tumalikod siya at pinunasan ang kanyang mga luha saka sumagot, "Okay apo...narinig ka namin, susunod na kami!"

Masayang umalis si Little Treasure.

Nagkatinginan sina Lu Chongshan at Yan Ruyi, parehong naluluha ang mga mata.

Pinunasan ni Yan Ruyi ang kanyang mga luha at sinabi kay Lu Chongshan. "Ikaw ang unang tinawag ni Little Treasure, masaya ka na?"

"Tignan mo 'to. Pareho niya tayong tinawag, 'wag ka na ngang magtampo! Isip-bata!" Habang sinasabi iyon ni Lu Chongshan, hindi niya maitago ang galak at sabik sa kanyang mukha. 

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS