Chapter 1122: Si Little Treasure Ang Pinakamahalaga
Bigo si Guan Rui pero naiintindihan niya rin na wala ng saysay pa na makipagtalo kay Lu Chongshan ngayon. Sinabi niya ng may mahinang boses, "Bro Lu, alam ko na responsibilidad ng pamilya ko ang bagay na ito. Pero nasaktan talaga ni Tingxiao ang relasyon natin. Di bale na, malapit naman na tayo maging pamilya.
"Marami ng masasakit na pinagdaanan si Ziyao dahil sa babaeng iyon. Una, mayroon na siyang babae sa labas bago makabalik si Ziyao at ngayon naman ay inaatake niya kami para sa babaeng iyon. Iyon ba talaga ang tamang gawin?"
Mas lalong naging seryoso ang ekspresyon ni Lu Chongshan. Matapos niya itong pag-isipan, sinabi niya, "Bro Guan, pagdating kay Ziyao, gusto talaga namin siya ni Ruyi simula noong bata pa lang siya. Anak na ang turing namin sa kanya. Kung posible, siyempre gugustuhin din namin na maging iisang pamilya tayo.