Chapter 1114: Call Father
Nanginginig ang pigura ni Cao Lirong at ang kanyang mukha ay maputla habang nakahawak siya sa rehas. Emosyonal niyang sinabi, "Ilang beses ko nang sinabi! Hindi ko siya tinulak! Hindi! Tinapik ko lang siya para mapwersa siyang saktan ako. Kahit mukhang malakas pagkakatapik ko, magaan lang talaga iyon at wala masyadong lakas! Siya ang may kagagawan noon! Pinagmumukha niya lang na may kasalanan ako! Siya ang nagpahulog sa tubig! Pine-frame lang ako ng bruhang iyon! Uncle Guan, maniwala ka sa'kin!"
"Anong sinasabi mo? Sinasabi mo ba na sinadya ito ni Ning Xi?" Napatayo si Guan Rui.
"Oo, sinadya niya ang lahat ng ito!" dinig ang kumpiyansa sa boses ni Cao Lirong.
"Sigurado ka?" sumimangot si Guan Rui.
"Sigurado ako! Uncle Guan, nakita mo mismo. Medyo malayo pa siya sa gilid ng pond at hindi malakas ang pagkakatulak ko sa kanya. Imposibleng mahuhulog siya dahil doon!" taimtim na sumumpa si Cao Lirong.