Chapter 1110: Mommy! Gusto Ko Kay Mommy!
"Anong nangyayari?! Kamusta si hipag? Pumunta lang siya banquet. Paano siya nahulog sa tubig?" Buhay ni Lu Jingli si Little Treasure at hinihingal habang nagtatanong ng malakas.
Nang makita ni Yan Ruyi na dala ni Lu Jingli si Little Treasure, nag-iba ang ekspresyon sa kanyang mukha. "Bakit ka nandito? At talagang dinala mo pa dito si Little Treasure!"
Sumabat din si Lu Chongshan. "Kalokohan! Iuwi mo agad si Little Treasure! Puno ng masasamang elemento at virus ang ospital!"
Pinunasan ni Lu Jingli ang pawis sa kanyang kilay. "Inaalagaan ko lang ng mahusay ang bata sa bahay. Pagkatapos nakatanggap ako ng balita na may tumulak kay hipag sa tubig kaya nagmadali akong pumunta dito. Narinig ni Little Treasure ang tawag at sinabi na isama ko siya. Wala akong choice! Sinama ko siya!"