Chapter 1105: May Mali, Smells Fishy
Sumimangot si Guan Ziyao at tumingin sa babaeng nakaputi na nakikipagusap kay Ning Xi. "Walang issue para kay Lirong? Kung hindi siya mamatay…"
"Mamamatay siya!" Kita sa mga mata ni Guan Rui ang intensyon pumatay.
Kung hindi siya mamamatay, may mga inatasan na rin siya para gawin ito sa ospital. Walang mangyayaring mali.
Unang beses niya mapasali sa isang bagay na tungkol sa buhay ng isang tao. Nanginginig ang mga daliri ni Guan Ziyao dahil sa nerbyos pero agad siyang kumalma. Sinusubukan lang naman niya na pigilan ang babaeng iyon sa panloloko kay Lu Tingxiao. Walang masama sa gagawin nila…
Ilang beses nang pumalpak ang mga plano niya. Wala nang pwedeng maging aksidente ngayon. Ang mga matitinding sitwasyon ay nangangailangan ng mas matinding plano.
Ngayon, sisiguraduhin niya na hindi na makakalusot si Ning Xi!