Chapter 1104: Babae Ni Lu Tingxiao
Mapanloko ang ngiti ni Ning Xi. "Sakto ang naiisip mo."
Walang masabi si Wang Shengzhe.
Agad pumunta si Wang Shengzhe kay Mo Lingtian. "Gago ka, Mo Lingtian! Bakit hindi mo sinabi sa'kin na babae ni Lu Tingxiao iyon?"
"Hindi ko ba sinabi sa'yo kanina?" Nakita ni Mo Lingtian na naghihingalo ang lalaki at pinagpapawisan na parang hinabol ng halimaw.
"Kailan?!" halos matumba si Wang Shengzhe.
"Sabi ko kanina 'wag kang maghanap ng gulo. Mag-isip ka nga! Ilang tao ba sa Imperial ang pwedeng guluhin ka? Malalaman mo kapag pinag-isipan mong mabuti." sagot ni Mo Lingtian.
Nataranta si Wang Shengzhe. "Naku! Anong gagawin ko?! Sinubukan kong landiin ang babae ni Lu TIngxiao! May kailangan ba akong ibigay sa kanya bilang paghingi ng tawad? Parang gusto niya ang mga damit sa Spirit. Bilhan ko kaya siya?"
Tinitigan siya ni Mo Lingtian na parang tanga siya. "Ang babaeng iyon ang may-ari ng Spirit!"