Chapter 1103: Apelyido
Medyo balot ang katawan ng babae dahil lagpas tuhod ang kanyang bestida at ang kwelyo naman ay hanggang sa leeg niya. Pero, mayroon pa rin itong aura na nagpapasabik sa kanya.
Isang tunay na hottie!
Napagpasyahan ni Wang Shengzhe na kailangan niyang makuha ang babaeng ito para sa kanyang sarili, nakalimutan niya na ang babala ni Mo Lingtian sa kanya.
"Oh, hindi ko pa pala alam ang pangalan mo. Anong dapat kong itawag sa iyo? Ako si Wang, Wang Shengzhe." tanong ni Wang Shengzhe habang mas lumalapit kay Ning Xi.
Sa tingin ni Wang Shengzhe, mataas ang kalidad ng panlalandi niya. Pero napairap si lang si Ning Xi, sa sobrang tindi ng irap niya, halos makita niya na ang utak niya.
Ano ito!? Siya na ang pinakamahusay manlandi sa Imperial?
Anong klaseng standard ba ang mayroon sila?
"I…" Nakita niya ang demonyo na unti-unting naglalakad papunta sa kanya.