Chapter 1102: Ang Galing Mo Talaga Magbiro
Pagkatapos makipagusap ni Lu Tingxiao kay Guan Ziyao, napatingin siya kay Ning Xi at napansin si Wang Shengzhe na nakaupo sa harap niya.
May kaunting pagbabago sa malamig na ekspresyon ng lalaki. Nagpaalam siya kay Guan Ziyao at naglakad pabalik kay Ning Xi…
…
Maganda ang maliit na hardin ng Mo family at mayroon itong kaaya-ayang tanawin. Sa sulok kung saan nakaupo si Ning Xi ay mayroong mga baging sa paligid at ilang bulaklak na umuusbong. Sa tabi niya ay isang pond na sinasalamin ang gabi.
Ang mas maganda pa sa senaryong ito ay ang babaeng nakaupo sa ilalim.
Pero, ang taong ito ay nakatuon lang kina Lu Tingxiao at Guan Ziyao.
Anong pinag-uusapan nila? Ang tagal naman! Bwisit!