Chapter 1098: Pinanganak Para Maging Sakit Sa Ulo Ko
"Magandang ideya ito! Hindi ko gustong ibigay kina Ning Yaohua o Ning Yaobang at kapag hinawakan ko lang ito, nag-aalala ako na baka ako ang guluhin nila! Matalinong gawin na ibigay ito kay Ning Qiutong. Base sa kanyang personalidad, hindi niya hahayaan ang dalawang panig na manalo. Isa pa, sa business capabilities ni Ning Qiutong, siguradong hindi niya papabayaan ang kumpanya ni lolo! Boss, masyado kang matalino!"
Nakipagusap pa si Ning Xi kay Lu Tingxiao at nang makita nila na mas lumalalim na ang gabi, nagtanong siya, "Gusto mo bang magsleep over?"
Nang marinig siya ni Lu Tingxiao, tinignan siya nito at sinabi, "Nah."
"Ha? Bakit naman hindi? Late na oh! Hindi ba mas mahihirapan ka pang umuwi? Mayroon ka pa bang aasikusahin?" naguguluhan si Ning Xi.
Minasahe ni Lu Tingxiao ang noo niya at sinabi, "Dahil mabilis ako mawalan ng kontrol lalo na sa future matrimonial home natin. Naiintindihan mo?"