Chapter 1097: Pagaanalisa Ng Lalaki
Sa Peachwood, nang makarating siya sa bahay, iniisip pa rin ni Ning Xi ang mga nangyari ng araw na iyon nang tumunog ang doorbell niya.
"Steamed bun, pakitignan nga kung sino iyon." Sabi ni Ning Xi.
"Yes, my beloved Master!" Pinakita ng mukha ng robot ang isang maliit na screen na nagpapakita ng image mula sa security monitor sa pinto. Si Lu Tingxiao ang bisita.
Nang makita ni Ning Xi si Lu Tingxiao, nagmadali siyang tumayo para buksan ang pinto.
"Big Boss! Gabing gabi na ha. Bakit ka naparito?"
"Nag-aalala ako para sa iyo."
"Pumasok ka! Steamed bun, pahinging tubig, please!"
"Masusunod, my beautiful Master!" Agad na gumulong ang robot para kumuha ng isang basong tubig.
Kinuha ni Ning Xi ang tubig mula sa serving tray at binigay ito kay Lu Tingxiao bago maupo sa tabi niya sa sofa.
Kinuha ni Lu Tingxiao ang baso at nagtanong, "Kumusta ang araw mo? Anong nangyari? Ginulo ka ba nila?"