Chapter 1096: Tulungan Mo Akong Gawin Ito
Walang bahid ng antok sa mga mata niya. Sa halip, puno ito ng kadiliman at pagkamuhi.
Paano siya makakatulog sa ganitong sitwasyon!?
Mayroong 15% sa shares si Ning Yaohua ngaykn, habang si Ning Yaobang ay may 16% sa shares at si Ning Qiutong ay may 10% sa shares.
Ang susi ay si Ning Xi.
Kung sino man ang suportahan niya gamit ang 10% niya sa shares ay ang magiging pinakamalaking shareholder sa kumpanya at magkakaroon siya ng potensyal para ipaglaban ang karapatan niyang manahin ang buong kumpanya!
Ngayon, tiyak na mababaliw sina Ning Yaohua at Ning Yaobang na agawin ang shares sa kamay ni Ning Xi.
Dahil wala siyang nakuhang share, wala siyang masasabi tungkol dito. Kahit itaya pa niya ang buhay niya para makuha ang mga loose shares sa merkado, tanging 2% lang ang pinakamalaking makukuha niya at hindi ito sapat.