Chapter 1094: Nagkapalit Ng Buhay
Nang-asar pa si Ning Qiutong, "Hah, ako pa ang walang alam? Sino kaya ang nagbubulagbulagan? Payo ko lang sa'yo na suriin mo kung anong klaseng tao ang umuupo sa tabi ko araw-araw! 'Wag ka nang maghintay hanggang sa kagatin ka niyan mismo at maging kamatayan mo. Ikaw ang nagaakit ng lobo sa bahay mo at wala kang kaalam-alam!"
"Ning Qiutong! Pupunitin ko iyang bunganga mo! Ako mismo ang nagpalaki sa anak ko. Wala kang karapatang magsabi kung anong klaseng tao siya!" Galit na galit si Zhuang Lingyu at gusto niya nang lumapit pero pinigilan siya ni Ning Yaohua.
"Hahaha...sa tingin ko tama si Qiutong! Sinasabi ko sa iyo, hipag, kung tratuhin mo ang tagalabas na ito ay parang hiyas. Ang IQ at logic mo mahirap para sa akin na intindihin!" Natutuwa si Ning Yaobang sa magandang palabas na ito.
"Manahimik ka, Ning Yaobang! Naiinggit ka lang!" Bulyaw ni Ning Yaohua. Nagsisimula nang magkagulo ang dalawang panig at magtalo…