Chapter 1092: Hindi Man Lang Nakahati Sa Shares
Nanunuya si Zhuang Lingyu habang inaalo si Ning Xueluo at tinatapik ang likod ng kamay nito, "'Wag kang mag-alala. Nandito lang si Mommy. Walang pwedeng mang-bully sa iyo!"
"Salamat, Mommy…" naluluha si Ning Xueluo habang nakayakap kay Zhuang Lingyu. Nahuli ng mga mata niya si Ning Xi at mayroong pag-irap sa kanyang mga mata.
Pagkatapos ng pagtatalo, nagpatuloy ang pagaanunsyo ng pamana.
Ang mga natitirang funds at properties ay pantay na pinamigay sa ilang tao. Nakatanggap ng property si Ning Xi sa City C. Sa City C nakatira ang foster parents niya at kung saan siya nanirahan sa loob ng 18 taon. Talagang pinag-isipan ng matanda ang pamana niya.
Pagkatapos noon, ang pinakaimportanteng parte na lang ang natitira -- ang company shares!
Ito ang rason kung bakit pinigilan ni Ning Yaobang na gumawa ng gulo. Ang shares ang pinakaimportanteng porsyon.