Chapter 1089: Kung Ganon Magsimula na Tayo
Hindi na naghintay na magsalita si Ning Xi, inilahad na ni Zhuang Linyu ang kanyang pagkadismaya. "Alam niya na ang Spirit ay karibal ng kumpanya ng kanyang kapatid, ngunit nagsuot pa din siya ng damit na nagaanunsyo nito. Lagi kang tumutulong sa iba!"
Nang marinig ito ni Ning Yaohua, agad niyang sinubukang pagaanin a ng usapan at sinabi, "Girls! Kapag nakakita sila ng magandang damit, bibilin nila ito dahil gusto nila! Ngunit, Xiao Xi, ang Spirit ay kaaway ngayon nga kumpanya ng iyong kapatid, kaya mag-ingat ka din. Kung gusto mo ang ganitong istilo, hayaan mong bigyan ka ng kapatid mo ganyang outfit mamaya!"
"Noong huling beses na nagpunta si Sis sa ating tindahan para bumili, sinabi ko sa kanya na gusto ko siyang bigyan, ngunit... Sis..." hindi tinapos ni Ning Xueluo ang kanyang sinasabi. Gayunpaman, sapat na ito para punan ni Ning Yaohua at Zhuang Lingyu ang ibig niyang sabihin.