Chapter 1072: Baliin Mo Ang Kaniyang Binti
Nakayakap siya ng mahigpit sa kaniya habang nakapatong ang kaniyang baba sa balikat nito.
Mukha siyang nawawalang aso, nalilito si Ning Xi. "Anong problema?"
Hinalikan nito ang taenga, at nahiga sila sa kama. Tiningnan niya ito sa mata. "Napakaswerto ko na nakilala kita…"
Habang pinaglalruan ni Ning Xi ang buhok nito. "Ako din…"
Hinalikan siya nito ng malalim…
At biglang may nalalaglag sa sahig na nagsanhi ng malakas na tunog.
"Anong Nagyari?"
Tinulak ni Ning Xi papalayo si Lu Tingxiao, at nakita niya si Lu Jingli na nakatayo na may hawak ng mga prutas at gulay na naglaglagan sa sahig. Tinakpan nito ang kanung mga mati pati na rin ang robot. At paulit ulit niyang sinasabi na " Pasensya… pasensya… pasensya… hindi ko sinasadya! Aalis na kami ngayon na!"
Napairap si Ning Xi. "Ihinto mo ang paggulo! Paano ka pumasok?"
Sumigaw si Lu Jingli, "Alam ng Little Treasure ang password!"