Chapter 1065: Ikaw… Bastos!
"Dinala mo ba yung mga gamit?" tanong ni Zhuang Rongguang.
Ikinaway ni Ning Xi ang kulay rosas na plastic na kaniyang hawak. "Gusto mo ba tinggnan ko?"
Tiningnan ni Zhung Rongguang siya ng masama, at tiningnan ang laman ng plastik.
Pares ng puting taking, kulay rosas na bistida, bulaklakin na ipit sa buhok, kulay puting medyas at tsaka… kulay rosas na bra…
Biglang namula si Zhung Rongguang at ibinilak kay Ning Xi ang plastik, "Ikaw… ang bastos…"
Painosenteng tinggin ni Ning XI. "Diba sabi mo magsusuot ka ng pangbabaeng damit? Meron bang babaeng hindi nagsusuot ng bra?"
Mas lalong namula si Zhuang Rongguang. Tiningnan siya ito ng masama at nagbuntong hininga, pinipigilan ang kaniyang emosiyon. "At dahil nagdala ka talaga, hinid kita bibiguin."
Biglang dumami ang tao sa kanilang paligid. Karamihan ay nandoon din noong isang beses. Kahit si Zhung Lioyuan at Zhuang Zongren ay naglaan ng oras.