Chapter 1061: Kagandahan ng isang Propesyonal
Sa loob ng limang segundo natapos din si Ning Xi sa paghihiwa ng labanos.
Mayroon paring natitirang labanos sa ibabaw ng sangkalan, pagkatapos ay hiniwa ito ni Ning Xi at nakita ng lahat na nahiwa na ito sa maliliit sa piraso.
Nagulat ang punong abala at su Feng Rui. Pati na rin ang director ay nagulat din.
"Ganito… ganitong klaseng paghihiwa! Magkakaroon na tayo sa wakas ng magandang ipapalabas?Xiang Wang, nakuha mob a yung magandang angulo ngayon?!" Ang tanong ng director sa potograper.
Inosenteng tingin ng potograper sa kaniya. "Nakatuon ang pansin ng potograper sa mga bisitang babae. Natapos na niyang hiwain ang labanos bago pa lumipat sa kaniya ang anggulo ng kamera…"
"Paano mo hindi makuha ang pinakaimportanteng kuha? Nasaan ang iyong propesyonalismo?!" Sigaw sa kaniya ng director.
"Pakiusap… Limang minute niya lang hiniwa ang labanos! Wala akong sapat na oras!"