Chapter 1053: Pinapakain Ni Little Treasure
"Oh! Okay lang. Nasa lugar ako ng aking kaibigan, kaya may nag-aalaga na sa akin!" agad na sagot ni Ning Xi.
"Okay sige, sabihan mo ako kapag may nangyhari. Kung seryoso ito, pumunta ka sa ospital," ang paalala ni Ling Zhizhi.
"Mmm, okay!"
"Magpahinga ka ng mabuti. Hindi ko pa alam kung hanggang anong oras maaantala ang programa. Mag-aayos ako ng isang cooking show kapag magaling ka na. Tatawagin itong 'Beauty's Specialties' at ang paggaganapan nito ay sa Imperial. Hanggang tanghali lang ito. MAdali lang ang magiging trabaho."
"Alright, salamat po, Sis Zhizhi!"
Kumalma ang kalamnan ni Ning Xi matapos ang tawag at bumalik siya sa kama, yakap ang malambot niyang unan.
Kahit na hindi niya dapat isipin, masarap pakinggan na kanselado ang kanyang trabaho habang ang kanya lamang naiisip na gawin ay ang matulog...
Tumunog ang pinto na para bang may tumutulak para magbukas.