Chapter 1048: Halikan Mo AKo Uli Para Hindi Na
Tumagal… nang tumagal… ang kanilang halikan…
Mula sa pagiging bayolente hanggang sa naging marubdob hanggang sa maging malumanay, wala sa kanila ang gustong bumitaw…
Sa huli, si Ning Xi ang tumigil. Itinulak niya palayo ang lalaki. "Tama na… pag pinagpatuloy pa natin baka bumagsak pa tayo!"
Nakahinga nang maluwag ang piloto sa harap. Napakabait ng Lady Boss!
Sumandal si Lu Tingxiao sa balikat nito, tila gulat pa rin siya sa mga pangyayari ngayong gabi.
Tiningnan ni Ning Xi si Lu Tingxiao na may pag-aalala. "Nasa loob pa rin tayo ng Imperial at gumawa tayo ng malakin gulo ngayong gabi… maaapektuhan ka ba?"
Nanatili sa dibdib niya ang labi ng lalaki. "Halikan mo ko uli para hindi ako maapektuhan."
Walang nasabi si Ning Xi pati na ang piloto.
Kailangan niya nang maghanap ng ibang trabaho…
Pwede bang ibalik niyo na ang mahinahon kong Boss…
…