Chapter 1046: Naglakad Siya Papalapit Sa Akin
Ang taong ito ay isang baliw na walang pakielam sa kung anong mangyari kapag tinamaan siya ng kanyang kabaliwan…
Maaaring nasa harap na siya ng pinto ng Emperor at pipilitin pa rin niyang makapasok sa loob!
Habang nasa labas na bahagi sila, nasa Imperial pa rin sila at kung maglalaban talaga sila dito, siguradong mapupukaw nila ang atensyon ng mga panig na sangkot dito.
Dahil sa impluwensya ni Lu Tingxiao, ang mga mangangasiwa sa insidenteng ito na kilala siya ay pababayaan lang siya, pero ito lang ay kung may benepisyong makukuha ang mga opisyal mula sa magkabilang panig
Kung gagawa siya ng malaking kaguluhan dito at agad niyang aatakihin si Yun Shen, ibang usapn na ito…
Nagulat si Ning Xi nang makita niya si Lu Tingxiao na kasama ang isang pormal at pambihirang hukbo. Hindi niya inasahang gagawin ito ni Lu Tingziao para lang sa kanya.