Chapter 1043: Walang Muwang na Bata
"Ibalik mo siya sa akin," sabi ni Lu Tingxiao.
Inilagay ng lalaking nammuti ang buhok sa kanyang noo at tumawa na para bang nakarinig ito ng isang nakakatawang biro. "Pinasok mo ang teritoryo ko, tapos gusto moing ibigay ko sayo ang pagmamay-ari ko? Nakakatawa ka naman, CEO Lu."
Walang emosyon na tumingin si Lu Tingxiao sa kanyang relo. "Tatlong minuto."
Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa. Kung hindi nila ibibigay ang babae sa loob ng tatlog minuto…
May nakakatakot na ngiti ang gumihit sa mukha ng lalaking puti ang buhok at itinaas ang kanyang kilay. "Lu Tingxiao, noong lugmok na lugmok siya, noong desperadong-desperado siya, ako ang tumulong sa kanya. Tinutro ko sa kanya ang lahat ng dapat niyang malaman para mabuhay at para protektahan ang kanyang sarili. Sa iisang mundo kami nagmula. Oo, malaki ang mundo, pero sa huli, mauunawaan niya rin kung saan siya nararapat!"