Chapter 1042: Nagkita Tayong Muli
"Ang bilis ah… sakto, na-miss ko rin siya!"
Tiningnan ng lalaki ang isang dosenang pirabadong helicopter sa labas ng bahay, makikita ang pagkasabi sa kanyang mata kasabay ng kanayng mabilis na paglabas at tila nalimutan na nito si Ning Xi.
Sumunod naman agad sa kanya si Tang Ye, hindi maipinta ang mukha nito habang tinitingnan si Ning XI. Nabalitaan na nito na mayroong pribadong hukbo si Lu Tingxiao pero para ipadala tio sa Imperial at para lang sa isang babae…
"Sandali! Wag kang lumabas! First Senior Brother! Pwede mo pa rin ako ikulong dito! Pero wag niyo akong iwan mag-isa! Alam niyo naman na takot ako sa multo…"
Pero bago pa man matapos makapagsalita si Ning Xi, muli nang sumara ang pinto.
Ang mga halimaw na ito, lalo na si Yun Shen ay agad na lumabas nang marinig na naroon si Lu TIngxiao! Sinisiguro ni Ning Xi na pahihirapan niya ang mga ito kung sakali man na makalabas siya doon nang buhay!