Chapter 1037: Kung Naka-damit Panlalaki
Nagkaroon ng suspetya ang babae nang makita ang namumutlang mukha ni Ning Xi pati na ang nanginginig na tuhod nito.
Naging kalmado lang si Ning Xi noong sila ay papunta rito at nagawa pa nitong umidlip pero noong umabot sila doon, nakaramdam ito ng takot.
Pero, sino ba namang makakasisi sa kanyan? Ang lalaking iyon… ay tunay naman na nakakatakot!
Ang makapal na pintong gawa sa kahoy ay malakas ang paglangitngit habang itinutulak ito ng babae para buksan. Ang malaking bahay ay walang laman at napakadilim.
Nakapatay ang mga ilaw at ilang puting kandila ang nakahelera sa may pader ang nakasindi. Lalo pang naging mas nakakatakot ang bahay dahil sa malamlam na mga ilaw.
Sa ilalim ng malamlam na liwanag ng mga kandila, ang mga larawan sa pader ay tila mga multo. Nagngingitngit ang sahig na gawa sa kahoy habang naglalakad sila rito.