Chapter 1024: My Hands Are Itchy! I Want To Beat Someone Up!
Nang sabihin 'yun ni Ning Xi, may malambot at munting siopao na tumakbo pababa ng hagdan at tumalon payakap sa kanya, puno ng pag-asa ang mukha nito.
Nang makita niyang excited si Little Treasure sa balita tungkol sa isang trip, 'di maiwasan ni Ning Xi na ma-guilty. "Mmm, sorry, my little bun, matagal kang 'di masyadong nailalabas ni Mommy para magsaya! Aalis tayo bukas! At tayong dalawa lang!"
Si Mommy lang ang kasama? 'Di kasama si Daddy?! Lumiwanag bigla ang mga mata ng bata ng marinig niya 'yun. Halos masilaw si Ning Xi sa liwanag nito at tila naluha.
Sumagot si Ning XI, "Oo! 'di natin kasama 'yung malaking third wheel!"
Natahimik si Lu Tingxiao. Ang bilis namang dumating ng karma?
"Bakit? May sasabihin ka?" tumingin si Ning Xi kay Lu Tingxiao at nagtaas ng kilay.
Walang nagawa si Lu Tingxiao. "Wala."