Chapter 1023: Bring The Little Bun Out For Fun
Kinabukasan, muling dumating sina Ning Xi at Gong Shangze sa Taoyuan Village.
Dahil nanggaling na sila dito, alam na nila ang tamang daan ngayon, nakarating sila sa bahay pagsapit ng tanghalian.
Nakasalubong ng dalawa si Song Jin sa pagitan ng palayan, nakasuot ng sumbrerong gawa sa dayami ang matanda at nagtatanim ito ng palay.
Makikitang sanay na si Son Jin sa pagtatanim ng palay at mabilis ding kumilos ang mga daliri niya. Mukha siyang isang tipikal na magsasaka sa unang tingin. Sino'ng mag-aakalang isa pala siyang sikat at world-renowned Chinese calligrapher sa unang tingin lang?
Wala masyadong naging reaksyon si Song Jin nang mapansin ang dalawa mula sa gilid ng kanyang mga mata. Nagpatuloy lang siya sa ginagawa at walang pakialam.