Chapter 1021: Magkakaroon sila ng Kahinaan
KInabukasan, maagang nagising si Ning Xi at kaswal lamang ang bihis. May appointment sila ni Gong Shangze para bisitahin ang grandmaster ng Chinese art na si Elder Song Jin sa Taoyuan Village.
Dahil may kalayuan ang Taoyuan Village, aabutin ng tatlo hanggang apat na oras ang byahe. Isa pa, 'di masyadong maganda ang kalsada doon kaya 'di nakakapasok ang mga kotse. Kaya napagdesisyunan ni Ning Xi na 'wag na lang magmaneho at bumili na lamang ng ticket sa bus para sa malayuang byahe.
Bago ito, habang nasa studio, nakapagsaliksik na sina Ning Xi at Gong Shangze ng mga detalye ng magiging stratehiya nila kay Song Jin. Kasama na rito ang lahat ng gawa ni Elder Song at mga impormasyon tungkol sa kanya sa buong buhay niya, lalo na ang kanyang personalidad at ang mga kagustuhan niya. Kaya lang, 'di masyadong positibo ang mga resulta at kakaunti lang ang sinasabi.