Chapter 1020: Torture To The Heart and Body!
"Nalaman ko 'nung pinuntahan ko 'yung crew sa pangalawang araw ng shoot," humikab si Jiang Muye at napakamot sa ulo habang matapat na sumasagot.
At nagbago ang mukha ni Ning Xi.
"Ahem…" nanliit ang mata ni Ning Xi at tumingin ito kay Jiang Muye bago pinaputok ang mga buto niya sa daliri habang naglalakad palapit sa kanya.
"Blondie, halika nga dito…"
"A…ayoko!" Nang makita niya ang nakakatakot na itsura ni Ning Xi, biglang naging malinaw ang isip ng inaantok na si Jiang Muye. Sa totoo niyan, nagsisisi na siya sa sinabi niya. Bwisit, mali 'yung nasabi niya!
"Bakit 'di mo agad sinabi sa'kin eh alam mo pala?!?" Nakapamewang si Ning Xi habang sumisigaw at bigla itong tumalon at binugbog na nga si Jiang Muye.
"Napilitan lang ako! Binantaan din ako ng tito ko! Bakit 'di siya 'yung sisihin mo kaysa sinasaktan mo 'ko?! Uy 'wag naman sa mukha…"
...