Chapter 1017: My Love
Isang gabi, naghanda ng isang simpleng celebration dinner sa isang restaurant ang production crew. Dahil walang investors o mga journalists sa paligid, magaan lang at komportable ang pakiramdam nila.
"Hindi kayo ang unang batch ko ng mga baguhan pero mukhang kayo na ang huli. Salamat sa pagtitiwala sa'kin!"
"Ito rin ang unang pelikula ko kaya masaya ako na napaka-professional ng mga nakatrabaho ko. Salamat sa pagpili sa'kin, Direk! Masaya talaga ako sa buong takbo ng shoot. Salamat sa inyong lahat!"
"Magto-toast din ako dito lalo na kay Bro Xi. Tatapatin kita…ako 'yung naglagay ng ahas kasi naiinggit ako na nasa'yo ang atensyon ng lahat ng mga babae…pero ikaw ang pinakamahusay! Pinahanga mo 'ko!" wika ni Qi Fang at inubos na ang inumin niya.
"Pero, Bro Xi, mas bagay sa'yo ang nakabihis babae. 'Wag ka na kasing magdamit na panglalaki!" tinitigan ni Qi Fang si Ning Xi ngayon habang nagsasalita.