Chapter 1011: This Is Our Family's Child!
"Ano 'yun?" Tanong ni Zhuang Keer dahil 'di niya alam kung ano ang gusto ni Ning Xi mula sa kanya ngayon.
Nakasuot ng putting damit si Zhuang Keer at may suot na putting lace ribbon sa kamay. Maingat itong inalis ni Ning Xi. "Ito."
"Sige…pero Xiao Xi, bakit mo 'to kailangan?" naguguluhan si Zhuang Keer.
Nagbago ang ekspresyon ni Zhuang Liao Yuan at nagkaroon ng suspetya. Itong batang 'to…'di kaya…?
Naiirita si Zhuang Guangrong. Nakikipaglandian pa talaga 'tong bastardong 'to sa kapatid niya kahit sa ganitong sitwasyon!
Sa ilalim ng atensyon ng lahat, naghanda si Ning Xi at itinali ang putting lace ribbon sa ulo niya at itinakip sa mga mata niya, tapos ay tinutok nito ang baril sa harapan at nagpaputok nang tatlong beses.
Bang!
Bang!
Bang!
…
Pagkatapos ng sampung rounds, nagpakita ang score counter ng puntos na: 100 points!
Nang naka-piring!